Tuesday, 4 December 2018

“Bagong teknolohiya sa makabagong panahon; gamitin ito ng wasto at naaayon para sa ikabubuti ng lahat.”




FILIPINO VALUES MONTH
Theme: Mapanuring Paggamit ng Gadget: Tungo sa Mapagkalingang Ugnayan sa Pamilya at Kapwa





“Bagong teknolohiya sa makabagong panahon:
gamitin ito ng wasto at naaayon para sa ikabubuti ng lahat.”
Image result for using gadgets

    Napakalaking papel ang ginagampanan ng gadgets sa pang-araw-araw na buhay ng makabagong tao. Napakarami nang nagagawa ng computers ngayon, at halos lahat yata ng gawain ay mayroon nang paglahok ng smartphones. Nakatutuwang isipin na napapadali at napapagaan ang maraming mga gawin ng tao dahil sa mataas na antas ng mga teknolohiyang ito. Lalong lumiliit ang mundo; hindi na mahirap mawalay sa mga mahal sa buhay. Nakatutuwa ring asahan kung ano pang mga pag-usad sa teknolohiya ang madidiskubre sa darating pang mga taon.

    Ngunit sa kabila ng maraming kabutihang naidudulot ng gadgets sa ating buhay, kapag hindi sila ginamit sa tama, nagiging dahilan din ang paggamit nito upang maging magkalayo ang mga tao. May mga pag-aaral ding nagsasabi na nagiging sanhi ang mga ito ng pagbabago sa pag-uugali ng mga tao at ilang mga sakit din. Kaya naman mahalaga ang mapanuring paggamit ng gadgets. Sa ganitong paraan, napapakinabangan natin ang magagandang naidudulot ng gadgets. Nagiging daluyan din ito ng maganda at mapagkalingang ugnayan sa pamilya at kapwa, sa halip na ito ay maging dahilan ng pagkakawatak-watak. Importanteng hakbang dito ay ang palagiang pag-tsek sa sarili: Nasa tama pa ba ang paggamit ko ng gadgets? Nakatutulong pa ba ito sa mga gawain at relasyon ko? Nalilinang pa ba ang pagkatao ko?

Image result for smartphones









  
Image result for laptop



     Ginawa at inimbento ang bagong teknolohiya upang mapadali ang pakikipag-ugnayan ng bawat tao, kahit saang lupalop pa ito ng mundo. Napapadali nito ang paggalaw ng bawat tao, mapa-personal man o kahit sa negosyo. Halimbawa sa mga Gadgets na ito ay ang mga smartphones, laptop, ipads, macbooks, at computer desktops. Ngunit alam ba natin na kapag gumagamit tayo ng mga gadgets ng hindi tama ay magiging masama ang sanhi nito sa atin? Maaring ang ating mga mata at ang ating ulo ay sumakit na bunga ng paglabo ng mga ito. Saksi ako dito dahil sa ako din ay nakranas ng pagsakit ng ulo at mata at paglabo ng mga ito dahil sa paggamit ko ng mga nasabing gadgets ng hindi tama at pangaabuso nito sa paggamit. Ngunit sa kalakaran ngayon, maaaring may mga iba na inaabuso ang makabagong teknolohiya at ginagamit ito upang manira ng kapwa. Huwag sana natin hayaan na lamunin tayong mga tao ng mga kasangkapang mga tao rin naman ang gumawa.

Image result for ipads

Related image

Image result for computer desktops






























No comments:

Post a Comment

If You Want To Change The World, Start With Yourself First

                            CHANGE STARTS WITH ME Blessed with intellect and a set of skills, we, the human race, have been placed on ...