Friday, 3 August 2018

BUWAN NG WIKANG PAMBANSA FILIPINO: WIKA NG SALIKSIK



Buwan ng Wika 2018 Theme Tema
Ngayon nanaman ay Buwan ng Agosto. Maraming mga mag-aaral na katulad ko at maging mga guro ang nagtatanong at nagreresearch kung ano ba ang tema or "theme" ng Buwan ng Wika ngayong taong kasalukuyan. Opisyal na ipinasya ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) noong Hunyo 14, 2018 na ang tema (theme) ng Buwan ng Wika nitong taong 2018 ay "Filipino: Wika ng Saliksik".



Bakit ito ang naging tema ng Buwan ng Wika ngayong 2018? Nais ng KWF na kilalanin ang wikang Filipino bilang midyum sa paglikha at pagpapalaganap ng pambansang karunungan at kaunlaran. Sa pamamagaitan daw ng temang ito, layon ng KWF na palaganapin ang wikang Filipino sa iba't ibang larangan ng karunungan, lalo na sa agham at matematika.




Baka may iba diyan na nahihirapan sa pagkaintindi ng salitang "saliksik" na ginamit sa tema. Ano ba ang "saliksik"? Ang "saliksik" ay katumbas ng research sa Ingles. Alam mo siguro ang mga salitang nagsasaliksik o pananaliksik? Saliksik o "research", ibig sabihin nito ay matalik na paghahanap. Naghahanap tayo ng sagot o mga sagot sa ating mga katanungan. Kaya tayo nagsasaliksik. Ang akto ng paghahanap na ito ay tinatawag na "saliksik" Gusto ng KWF na gamitin natin ang wikang Filipino sa pagsasaliksik natin ng kaalaman.



Hindi lamang ang wikang ingles ang pwede nating gamiting wika upang magsaliksik kundi maari rin ay sa wikang Filipino. Ang Wikang Filipino ay isa sa pinakatanyag na pagtukoy na nakikiamot sa mga Pilipino ng oras ay ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika tuwing Agosto kada taon sa Pilipinas. Bakit kailangan pang ipaalala sa ating mga Pilipino na ang ating wika ay Filipino/Pilipino? Ibig sabihin nito hindi pa natin napagwawagian ang kaisahan at kaganapan ng wika na pilit ipinapaangkin sa atin. Sa ibang bansa, hindi na kailangan ng pagdiriwang o pag-alala sa kanilang mga wika, ganap at buong giting nila itong ginagamit sa pang-araw araw nilang pamumuhay. Isang tanong na una nating narinig noong tayo ay nasa elementarya pa lamang, marahil na ang iba ay "Tagalog" ang isasagot ngunit sang-ayon sa 1987 Constitution (Aticle XIV Section 6) Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.




Nagsimula ang pagtawag sa Filipino na pambansang wika ng Pilipinas noong idineklara ang Saligang Batas ng 1973. Ang paggamit ng salitang Filipino bilang pambansang wika ng bansa ay nagmula sa salitang Pilipino na ayon sa Kauatusang Pangkagawaran Blg. 7, s. 1959 ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura na tutukuyin ang pambansang wika na Pilipino sa halip na Tagalog dahil ito ay isang hakbang tungo sa pagsasabansa ng wika. Ngunit napalitan ito ng salitang "Filipino" bilang pambansang wika dahil simbolikal ang paggamit ng titik "F", isang hiram na titik sa mga Kastila, sa pangalan ng pambansang wika dahil nangangahulugan ito ng lalong pagiging masaklaw ng wika. Pinapahiwatig din ng Fiipino ang pambansang wika na hindi lamang nakabatay ang pambansang wika sa Tagalog o sa iba pang wika at diyalekto sa bansa kundi tumatanggap na rin ito ng ambag mula sa mga wikang pandaigdig na nakaiimpluwensiya sa wika. Basta Lging tatandaan, Tatag ng Wikang Filipino, Lakas ng Pagka-Pilipino.

References:



Image Links








9 comments:

If You Want To Change The World, Start With Yourself First

                            CHANGE STARTS WITH ME Blessed with intellect and a set of skills, we, the human race, have been placed on ...